Silipin Ang Napakagandang Bahay Na Ipinamana Kay Ivana Alawi Ng Kanyang Ama

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Tanyag at sobrang hinahangaan ngayon si Ivana Alawi, matatandaang sumali siya sa Starstruck eason 6 at isa siya sa mga naging finalists, ngunit mas nakilala siya ng magbukas siya ng sariling Youtube Channel na ngayon ay milyon-milyon na ang kaniyang subscriber at sa youtube channel niya rin ibinahagi ang kaniyang buhay pati narin ang bahay na ipinamana sa kaniya ng kaniyang amang isang Morrocan. Pinay ang ina ni Ivana at isa namang Morrocan ang kaniyan ama. Nakilala sa pangalang Samier Al-Alawi ang kaniyang ama at apat silang magkakapatid.

Source: Ivana Alawi YouTube Channel

Sinabi ni Ivana na ang bahay sa Bahrain ang kaniyang kinalakihan at kung tawagin niya pa ay Childhood House kasama niyang lumaki sa bahay na iyon ay ang kaniyang mga kapatid na sina Amira at Hash. Sobrang napakalaki at elegante ng mansion ni Ivana dahil mayroon itong pitong bedroom, tatlong bathroom, dalawang living rooms, garden area at garahe, at ayon pa sa kaniya ka edad niya lang ang bahay na iyon dahil ipinatayo ito nung taong siya’y ipinanganak taong 1996 kaya medyo old but gold, wika niya.

Source: Ivana Alawi YouTube Channel

Unang makikita sa pagpasok sa kaniyang mansion ay ang malaking gintong hawla na ginawa niyang lounging area dahil mahilig siya sa mga ibon gusto niyang ma feel ang nasa hawla, ang pangalawang pinakita ay ang tinatawag niyang Living room number 1, kwento niya noong bata pa siya dito raw tinatalunan niya raw lagi ang kanilang sofa at dito siya kumakain at nanunuod ng tv pero tinanggal na ngayon roon ang tv. Dagdag niya pa sa kaniyang kwento noong baby pa raw siya ang may mumu sa area na iyon dahil haunted raw ang sofa nila na tuwing may humihiga roon ay nakakakita ng multo ngunit hindi pa naman niya nararanasan at benenta nalang nila ang haunted sofa.

Source: Ivana Alawi YouTube Channel

Ipinakita niya rin ang napaka bonggang dinning area, meron silang long table na may 6 seaters, may maganda at maliwanag na chandelier at sa harap ng kanilang table ay may malaking salamin dahil gusto ni Ivana na nakikita ang kaniyang sarili habang kumakain ito. katabi ng dinning area nila ang kanilang kitchen na may simpleng desinyo at ang kusina ay dumudugtong papunta sa kanilang laundry area at maid’s room, meron rin daw silang dirty kitche ngunit hindi niya na ito naipakita dahil hindi pa raw ito tapos at medyo madumi pa. Kasunod niyang ipinakita ang kwarto ng kaniyang namayapang ama, ayon sa kaniya “This is my dad’s room forever and ever” kaya hindi niya na ito ipinabago.

Source: Ivana Alawi YouTube Channel

Sunod niyang ipinakita ang kwarto niya, halos nasa 20 years na raw ang kaniyang kama kaya binago niya ito, magkasama raw sila ng kaniyang kapatid sa kwartong ito, dahil sa mahilig sa chandelier si Ivana ay mayroon din ang kaniyang kwarto. Classic ang design ng kaniyang kwarto kaya hindi niya na ito ipinabago.

Nang dumako siya sa 2nd floor ipinakita niya ang apat pang bedrooms, medyo simple lang daw yung dalawang kwarto at yung isa ay medyo may pagka sosyal dahil naka wallpaper ito, may details na gold at may sariling CR.

Source: Ivana Alawi YouTube Channel

At ang huli niyang pinasilip ang master’s bedroom na kaniyang kwarto na ngayon. Bongga ang kaniyang kwarto dahil may entertainment area at sariling Tv room. Modern at malawak ang kwartong ito na may modern ring chandelier, may walk in closet rin ito na wala pang gamit dahil ayon sa kaniya hindi pa naman siya titira rito.

Source: Ivana Alawi YouTube Channel

Ang kaniya namang sariling Cr ay gawa sa marmol dahil mahilig siya rito. Ang pinakagusto ni Ivana sa lahat ay ang wall ng kaniyang Cr dahil pinasadya itong gawa sa crystal, mayroon itong toilet, shower area at bathtub.

Source: Ivana Alawi YouTube Channel

Masayang ibinahagi ni Ivana ang kaniyang kinalakihang bahay at mas gusto niya pang mas makilala siya ng kaniyanng mga tagahangga.

Disclaimer

This website is intended for informational purposes only. All images are copyrighted to their respective owners. All content cited is derived from their respective sources.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Showbiz

Wendell Ramos, Binigyan Ng Negosyo Si Lolo Nardo

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

        Marami ang humanga at umani ng papuri ang aktor na si Wendell Ramos dahil sa kanyang kabutihang ginawa para kay Lolo Nardo na kamakailan ay nagtrending at usap-usapan sa social media dahil sa pagkuha ng mangga. Ang aktor ay may pagmamay-aring negosyo na WenDeli Meathouse, kasama ang iFranchise Company at OFW Family Club, Inc. ay […]

Read More
Entertainment Showbiz

Gloria Romero At Kanyang 100 Taong Gulang Na Guro, Tuwang-tuwa Sa Muli Nilang Pagkikita

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

        Sa programang Tunay na Buhay ng GMA Public Affairs na siyang nagbahagi sa istoryang ito. Ngayon nga ay naging viral ang kwento ni ‘Lola Techie’ na si Virginia Benigno Malay na siyang tampok. Nakakahanga na siya tinaguriang pinakamatandang naging isa sa mga kalahok sa isang vitual reunion na ginantimpalaan dahil sa edad na 100. Hindi […]

Read More
Showbiz

Anak Ni Ara Mina Na Si Amanda Gabrielle, Nagdiwang Ng Ika 7th Birthday Nito

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

        Kilalanin ang aktres na ubod ng karisma, dati na rin at magpahanggang sa kasalukuyan ating hinahangaan ang napakagandang si Ms. Ara Mina. Sa ngayon, ay hindi maipinta ang kasiyahang namumutawi kay Ara Mina kasama Ang kanyang pamilya. Sa makatuwid, nagdaraos ng kaarawan ang Unica hija ni Ara Mina na si Amanda Gabrielle. Ilan sa mga […]

Read More
error: Content is protected !!