Batang Lalaki Na Kamote Ang Tanghalian Dahil Walang Pambili Ng Bigas, Nagbigay Aral Sa Mga Kabataan “Huwag Kayong Tamarin, Maawa Kayo Sa Magulang Niyo”

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Yan ang isa sa mga linyang nasabi ng isang batang lalaking nagngangalang Jhon Errol Mampusti tubong Tugos Boac, Marinduque. Kumurot sa puso ng ilang netizens ang videong ito ni Jhon ng maipakita niya kung gaano niya pinahahalagahan ang sakripisyo ng kanyang mga magulang upang makakain sila sa araw-araw.

Si Jhon ay panganay sa magkakapatid. Masipag rin itong mag-aral. Hindi ito nakakalimot na maging mapagmahal at matulungin sa magulang. Simple man ang kinalakihang buhay, patuloy pa rin itong naging mabuting anak.

Source: Tiktok

“Alam mo kapatid, ako’y naiinggit sa mga bata diyan na inututusan pa ng kanilang mga magulang na maghugas ng pinggan pagkatapos kumain,”.

“Wag kayong tamarin. Wag kayong tamarin maghugas ng pinggan kasi ho, kung kakain nalang kayo tapos sila pa paghuhugasin niyo diba? Nakakaawa naman mga magulang nating ganon,”

Makikita sa larawan na nilagang kamote lamang ang tanging pananghalian ni Jhon dahil hindi pa umano sumasahod ang kanyang ama sa trabaho kaya wala pa silang pambili ng bigas.

Source: Tiktok

“Tingnan niyo ko oh, tingnan niyo yung pinggan ko, kung ganito huhugasan niyo magkusa nalang kayo,”

“Tingnan niyo yung kinakain ko. Katanghaliang tapat yan. Di ba, alas dose na ganito kalaking pinggan. Kamote lang malakas,”

“Pasensya na kayo ha, wala kasing kanin eh. Kaya kamote nalang muna. Di pa kasi sumasahod si Papa. So kain. Wag kayong tamarin maghugas kasi maawa naman kayo sa mga magulang niyo.”.

Source: Tiktok

Pinayuhan ni Jhon ang mga kabataang hindi nabibigyang halaga ang mga sakripisyo ng kanilang mga magulang. Masakit man pakinggan, pero marami sa ating kabataan ngayon ang mas pinapahalagahan at inuuna pa ang gadget kaysa sa tumulong sa magulang.

Sa ibang videos ni Jhon mapapanuod ang kanilang simple ngunit masayang pamumuhay. Sana ay kapulutan ng aral ang kwentong ito at maging inspirasyon sa ating mga kabataan na unahin at pahalagahan ang sakripisyo ng ating mga magulang. Maliit man o malaki ito, matuto tayong magsabi ng Salamat.

Disclaimer

This website is intended for informational purposes only. All images are copyrighted to their respective owners. All content cited is derived from their respective sources.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Entertainment Showbiz

Gloria Romero At Kanyang 100 Taong Gulang Na Guro, Tuwang-tuwa Sa Muli Nilang Pagkikita

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

        Sa programang Tunay na Buhay ng GMA Public Affairs na siyang nagbahagi sa istoryang ito. Ngayon nga ay naging viral ang kwento ni ‘Lola Techie’ na si Virginia Benigno Malay na siyang tampok. Nakakahanga na siya tinaguriang pinakamatandang naging isa sa mga kalahok sa isang vitual reunion na ginantimpalaan dahil sa edad na 100. Hindi […]

Read More
Entertainment News Viral

Mga Netizen, Nanawagan Na Kung Makita Ang Isang Lolo Na Nagbebenta Ng Isda Ay Bilhan Nila Ito Lalo’t Na-str0ke Ito

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

        Maswerte ang iilang mga taong lumaki na kasa-kasama at naabutan pa ang kanilang mga lolo at lola, dahil isang napakalaking puwang sa bawat apo ang pagmamahal at aruga ng kanilang mga lolo at lola. Karamihan naman ay mismong mga lolo at lola na ang tumayong ama at ina dahil sa mga ulila o kaya’y iniwan […]

Read More
Entertainment

Babaeng Nagtagumpay sa Negosyong Ukay-ukay, Napaayos ang Bahay at Nakabili ng Sariling Sasakyan

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

        Likas sa ating mga Pinoy ang pagiging madiskarte. Lalo pa noong dumating ang pandemya. Kanya-kanyang diskarte ang ating ginagawa upang mapagkunan ng pagkakakitaan. Isa na nga rito ang Ukay-ukay. Marami sa ating kababayan ang sumabak sa negosyong ito. May mga taong napalago ang negosyo at ngayon ay kumikita na ng malaki. Kabilang sa ilang nagtagumpay […]

Read More
error: Content is protected !!