Isang Amang Kargador, Napagtapos Ang Anak Sa Kolehiyo

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Pinatunayan ni Mailyn Esquelito Akoy na hindi hadlang ang kahirapan para tumigil ka na mangarap at abutin ang mga ito. Hindi porket mahirap ka ngayon, ay magiging mahirap ka na habang buhay. Ang ama ni Mailyn ay nagtatrabaho bilang isang kargador. Naoperahan ang tatay niya ngunit hindi ito tumigil sa pagtatrabaho. Ito ang ginawang inspirasyon ni Mailyn para mag-aral ng mabuti at magtapos ng pag-aaral. Sa ganitong paraan, naniniwala siyang ito ang isang hakbang upang mabigyan niya ang kanyang pamilya ng mas magandang buhay.

Source: Mailyn Esquelito Akoy

Ang pamilya niya ay dumaan sa maraming pagsubok. Sa squatter’s area sila nakatira at naranasan niya rin ang mga gabing walang tulog lalo pag may dumarating na bagyo.

Sa murang edad ni Mailyn, pinangarap niya nang makatulong sa pamilya at maiahon ang mga ito sa hirap. Nagsusumikap ito at gumagawa ng paraan upang kumita. May mga panahon ding hindi ito nakikilahok sa mga extra-curricular activities ng kanilang paaralan upang ang gagamitin niyang kontribusyon ay ilalaan nalang para sa pangangailangan ng pamilya.

Source: Mailyn Esquelito Akoy

Ang paggawa ng projects ng kanyang mga kaklase, pagpa-pack ng chicharon, pagtu-tutor, pagtitinda ng mga gulay, at maging ang pag-pupulot at pag-iipon ng mga bote ang ilan sa mga diskarteng ginagawa ni Mailyn upang magkaroon ng kita.

Source: Mailyn Esquelito Akoy

Tumigil ito ng isang taon sa pag-aaral pagkatapos niya sa Highschool dahil hindi na ito kayang tustusan ng mga magulang. Mabuti na lamang at nagkaroon siya ng scholarship mula sa TESDA. Kinuha niya ang kursong Computer Literacy sa Nuestra Seniora de Candelaria Parish Church sa Sultan, Kudarat. Naipasa niya naman ang entrance exam sa Sultan Kudarat State University kung saan naman siya nag-aral ng Bachelor of Arts Major in Economics.

Source: Mailyn Esquelito Akoy

Maraming humuhusga sa kanyang dahil sa mataas ang kanyang ambisyon sa buhay kahit ang ama nito ay isa lamang raw kargador. Banggit nito sa kanyang graduation message, hindi man siya graduate with honors ay maipagmamalaki parin daw niya na hindi siya sumuko kahit pa sa estado ng kanilang buhay.

Source: Mailyn Esquelito Akoy

“Kahit hindi man ako cum laude,hindi rin ako honored student at wala man akong matatanggap na kahit anong award at kahit audience nanaman ang lola nyo sa nalalapit na parangal, masaya ako na ilahad ang aking kwento hindi para may maipagmayabang dahil sa malapit na ako sa katotohanan tagumpay kundi para maibahagi ang kwento kong ito para magsilbing inspirasyon sa mga kabataang katulad ko na salat sa buhay, na anak ng isang kargador, na kahit anong hirap ay kayang lampasan lahat ng pagsubok, mapagpursige at mapagsumikap na anak at isang estudyanteng kailanman hindi nauubusan at nawawalan ng tiwala sa Puong Maykapal. Dahil kung ikaw ay may hangarin, maaabot at maaabot mo ang iyong mga pinapangarap. Dahil ako? HINDI AKO NAHIHIYANG IPAALAM NA ANG TRABAHO NG AKING AMA AY ISANG KARGADOR.”

Disclaimer

This website is intended for informational purposes only. All images are copyrighted to their respective owners. All content cited is derived from their respective sources.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Entertainment Showbiz

Gloria Romero At Kanyang 100 Taong Gulang Na Guro, Tuwang-tuwa Sa Muli Nilang Pagkikita

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

        Sa programang Tunay na Buhay ng GMA Public Affairs na siyang nagbahagi sa istoryang ito. Ngayon nga ay naging viral ang kwento ni ‘Lola Techie’ na si Virginia Benigno Malay na siyang tampok. Nakakahanga na siya tinaguriang pinakamatandang naging isa sa mga kalahok sa isang vitual reunion na ginantimpalaan dahil sa edad na 100. Hindi […]

Read More
Entertainment News Viral

Mga Netizen, Nanawagan Na Kung Makita Ang Isang Lolo Na Nagbebenta Ng Isda Ay Bilhan Nila Ito Lalo’t Na-str0ke Ito

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

        Maswerte ang iilang mga taong lumaki na kasa-kasama at naabutan pa ang kanilang mga lolo at lola, dahil isang napakalaking puwang sa bawat apo ang pagmamahal at aruga ng kanilang mga lolo at lola. Karamihan naman ay mismong mga lolo at lola na ang tumayong ama at ina dahil sa mga ulila o kaya’y iniwan […]

Read More
Entertainment

Babaeng Nagtagumpay sa Negosyong Ukay-ukay, Napaayos ang Bahay at Nakabili ng Sariling Sasakyan

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

        Likas sa ating mga Pinoy ang pagiging madiskarte. Lalo pa noong dumating ang pandemya. Kanya-kanyang diskarte ang ating ginagawa upang mapagkunan ng pagkakakitaan. Isa na nga rito ang Ukay-ukay. Marami sa ating kababayan ang sumabak sa negosyong ito. May mga taong napalago ang negosyo at ngayon ay kumikita na ng malaki. Kabilang sa ilang nagtagumpay […]

Read More
error: Content is protected !!