Kakaibang Pangalan ng Isang Lalaki, Kinatuwaan Ng Mga Netizens!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isang malaking bahagi ng buhay natin ang ating mga pangalan. Isa itong paraan ng pagkakakilanlan natin.

Ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang gusto pagdating sa pangalan. Ang iba ay gustong ipagsama ang pangalan nila at ng kanilang kasintahan. Ang iba naman ay gustong ihango sa paborito nilang mga artista. Meron naman sa atin ay gusto namang maging kakaiba o bukod-tangi ang pangalan ng ating magiging anak.

Ilan naman sa atin ay gusto lamang na maging simple at maiksi ang pangalan upang hindi mahirapan ang magiging anak pagdating ng araw.

Isang post sa facebook ang nagviral dahil sa kakaibang pangalan na ibinigay sa kanya ng kanyang magulang.

Source: ABCDE AEIOU Mendoza

ABCDE AEIOU lang naman ang ipinangalan sa isang lalaking ito. Agaw atensyon ito sa social media at bigla pang nagtrending!

“Sa mga nagPM po sa akin about kay ABCDE AEIOU na kumakalat ngayon, ‘di po addict parents ko and higit sa lahat ‘di din po ako fake and di ako scammer.”

Source: ABCDE AEIOU Mendoza

“Ako po si Abcde Aeiou A. Mendoza. Nakatira sa Punta, Sta. Ana, Manila”, pahayag niya.

Marami naman ang naintriga at nagtaka kung bakit ganito ang pangalan na ibinigay ng kanyang mga magulang. May ilan ang napapatanong kung ano ang iniisip ng mga ito at ABCDE AEIOU ang ipinangalan sa kanya.

Dinaan na lamang niya sa biro ang pagsagot sa mga nagdududa kung tunay ba na iyon ang kanyang pangalan. Ibinahagi pa nito ang ilan sa kanyang mga ID na nakalagay ang malinaw na pagsaad ng pangalan.

Source: ABCDE AEIOU Mendoza

Umani naman ng mahigit sa 23,000 reaksyon at 20,000 na shares ang kanyang post dahil sa kanyang pangalan.

“Ang talino po ng parents nyo. Bukod sa bukod tangi pangalan mo, nag-iisa lang din ‘to. Napaka-unique po.”

“Tatanong ko lang kung pano ka tawagin?”

Source: ABCDE AEIOU Mendoza

“Ang hirap mong tawagin. Pano pagbigkas po?”

“Pag nagkamali ka pa jan, ewan ko lang!”

Iyan ang ilan sa mga nakakatuwang comments ng mga netizens sa unique na pangalan ni Abcde Aeiou.

Disclaimer

This website is intended for informational purposes only. All images are copyrighted to their respective owners. All content cited is derived from their respective sources.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Entertainment Showbiz

Gloria Romero At Kanyang 100 Taong Gulang Na Guro, Tuwang-tuwa Sa Muli Nilang Pagkikita

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

        Sa programang Tunay na Buhay ng GMA Public Affairs na siyang nagbahagi sa istoryang ito. Ngayon nga ay naging viral ang kwento ni ‘Lola Techie’ na si Virginia Benigno Malay na siyang tampok. Nakakahanga na siya tinaguriang pinakamatandang naging isa sa mga kalahok sa isang vitual reunion na ginantimpalaan dahil sa edad na 100. Hindi […]

Read More
Entertainment News Viral

Mga Netizen, Nanawagan Na Kung Makita Ang Isang Lolo Na Nagbebenta Ng Isda Ay Bilhan Nila Ito Lalo’t Na-str0ke Ito

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

        Maswerte ang iilang mga taong lumaki na kasa-kasama at naabutan pa ang kanilang mga lolo at lola, dahil isang napakalaking puwang sa bawat apo ang pagmamahal at aruga ng kanilang mga lolo at lola. Karamihan naman ay mismong mga lolo at lola na ang tumayong ama at ina dahil sa mga ulila o kaya’y iniwan […]

Read More
Entertainment

Babaeng Nagtagumpay sa Negosyong Ukay-ukay, Napaayos ang Bahay at Nakabili ng Sariling Sasakyan

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

        Likas sa ating mga Pinoy ang pagiging madiskarte. Lalo pa noong dumating ang pandemya. Kanya-kanyang diskarte ang ating ginagawa upang mapagkunan ng pagkakakitaan. Isa na nga rito ang Ukay-ukay. Marami sa ating kababayan ang sumabak sa negosyong ito. May mga taong napalago ang negosyo at ngayon ay kumikita na ng malaki. Kabilang sa ilang nagtagumpay […]

Read More
error: Content is protected !!