Kiray Celis, Sinurpresa Ang Kanyang Kuya Na Isang Construction Worker Ng Isang Brandnew Motorcycle

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kilala na simula noong bata pa ang vlogger at actress na si Kiray Celis, una siyang nakilala bilang cast member ng kiddie gag show na Goin Bulilit. Marami na din siyang ginampanang mga teleserye tulad ng Mara Clara, Kampanerang Kuba, 100 Days To Heaven at Luv U. Sa ngayon ay mas mapapanood siya sa kanyang YouTube Channel dahil sa kanyang pagiging vlogger.

Source: Kiray Celis Instagram

Sa pinakalatest vlog niya ay pinakita niya rito ang pagtupad niya sa kahilingan ng kanyang kuya na isang construction worker.

Sa kanyang vlog, “Ngayon isu-surprise ko ‘yung kapatid ko ng pangarap niyang motor. Ilang taon na niya akong kinukulit dito. Ang tagal na niyang sinasabi sa akin kaso nag-ipon pa ako para mabilhan ko siya ng motor. Pero this time, nagawa ko na ang pag-iipon kaya bibilhin ko na siya ngayon tapos pupunta tayo ngayon kung saan siya nagtatrabaho para makita niyo at ma-explain ko mamaya kung gaano ka-deserve ng kapatid ko na mabilhan ko siya ng ganitong klase ng motor.”

Source: Kiray Celis Instagram

Mapapanood sa vlog nito na matapos bilhin ni Kiray ang motor ay personal niya itong dinala sa construction site na pinagtatrabahuan ng kanyang Kuya. Kasama rin ng aktres ang kanyang boyfriend nang surpresahin nila ang kanyang kuya.

Sa patuloy na pagkukwento pa ni Kiray, may sarili ng pamilya ito ngunit nakatira pa rin ito sa kanila. Dagdag pa niya hindi naman ibig sabihin na dahil sa artista siya ay umaasa pa rin sa kanya ang kanyang kuya. Siyempre dahil may sarili na itong pamilya ay kaya doble kayod ito para sa kanilang mga magulang at para sa sariling pamilya.

Source: Kiray Celis Instagram

Saad pa ng aktres, “FYI, si kuya ay may dalawa ng anak, babae. Nakatira pa rin sila sa amin. [Pero] siyempre, hindi naman artista ako eh iaasa na niya lahat sa akin.”

Dahil sa surpresang motor ni Kiray ay tunay na nasiyahan ng bongga ang kuya nito, napayakap pa ito sa motor. At labis ang kanyang pagpasalamat sa kanyang kapatid na si Kiray sa pagiging thoughtful nito at sa iba pang tulong na binigay ni Kiray.

Source: Kiray Celis Instagram

Ika pa ng Kuya ni Kiray, ni minsan ay hindi nito ikinahihiya ang pagiging isang construction worker kahit pa na artista ang kanyang kapatid dahil para rito ayaw nitong iasa sa kanyang kapatid ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya. Dagdag pa nito, marami ang nagugulat kapag nalalaman na kapatid niya si Kiray kaya ang iba ay talagang hindi makapaniwala.

Sa pagkukwento nito, “Marami silang tanong lagi. ‘Uy kapatid mo si Kiray? Hindi nga?’ Meron pa nga nagtsi-tsimisan sa likod ko, eh. ‘Kapatid ba ni Kiray ‘yan? Bakit nagco-construction?’ Ganun.”

Source: Kiray Celis Instagram

Hindi naman nito makakalimutan ang magpasalamat sa aktres, “Sobrang ganda grabe. Hindi ko in-expect ‘to na bibilhan ako ng kapatid ko,” ika niya.

Pabirong sumagot naman si Kiray, “Charot! Hindi niya raw ine-expect. In-expect niya talaga ‘yan. Matigas mukha nito eh”.

“Sana makatulong ‘to sa trabaho mo kuya. Magpursige ka pa sa trabaho mo, at maging masipag ka pa lalo,” dagdag pa niya. At nangako pa si Kiray sa kanyang kuya na kapag lumaki na uli ang kanyang ipon ay mas magandang motor na ang kanyang bibilhin para rito sa susunod.

Disclaimer

This website is intended for informational purposes only. All images are copyrighted to their respective owners. All content cited is derived from their respective sources.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Showbiz

Wendell Ramos, Binigyan Ng Negosyo Si Lolo Nardo

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

        Marami ang humanga at umani ng papuri ang aktor na si Wendell Ramos dahil sa kanyang kabutihang ginawa para kay Lolo Nardo na kamakailan ay nagtrending at usap-usapan sa social media dahil sa pagkuha ng mangga. Ang aktor ay may pagmamay-aring negosyo na WenDeli Meathouse, kasama ang iFranchise Company at OFW Family Club, Inc. ay […]

Read More
Entertainment Showbiz

Gloria Romero At Kanyang 100 Taong Gulang Na Guro, Tuwang-tuwa Sa Muli Nilang Pagkikita

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

        Sa programang Tunay na Buhay ng GMA Public Affairs na siyang nagbahagi sa istoryang ito. Ngayon nga ay naging viral ang kwento ni ‘Lola Techie’ na si Virginia Benigno Malay na siyang tampok. Nakakahanga na siya tinaguriang pinakamatandang naging isa sa mga kalahok sa isang vitual reunion na ginantimpalaan dahil sa edad na 100. Hindi […]

Read More
Showbiz

Anak Ni Ara Mina Na Si Amanda Gabrielle, Nagdiwang Ng Ika 7th Birthday Nito

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

        Kilalanin ang aktres na ubod ng karisma, dati na rin at magpahanggang sa kasalukuyan ating hinahangaan ang napakagandang si Ms. Ara Mina. Sa ngayon, ay hindi maipinta ang kasiyahang namumutawi kay Ara Mina kasama Ang kanyang pamilya. Sa makatuwid, nagdaraos ng kaarawan ang Unica hija ni Ara Mina na si Amanda Gabrielle. Ilan sa mga […]

Read More
error: Content is protected !!