Kilalanin Ang Isang Domestic Helper Na Ngayon Ay Nakapagtapos Ng Kolehiyo Sa New York

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  


Ibang-iba na ang buhay ngayon ng Pinay na si Xyza Cruz Bacani kumpara noong mga nakaraang taon. Sa katunayan kilalang-kilala na siya sa buong mundo at na-feature na rin ang kaniyang istorya sa mga kilalang media platforms tulad ng CNN at New York Times.


Si Xia ay nag-umpisa sa isang payak na pamilya at lumaki siya na wala sa tabi ang kaniyang mga magulang dahil abala ang mga ito sa pagtatrabaho abroad. Parehong OFW ang kaniyang Papa at Mama kaya naman sa murang edad ay nasanay na rin si Xia na alagaan ang kaniyang sarili.

Samantala, sa edad na 19 years old ay inalok siya ng kaniyang Mama na magtrabaho sa HongKong bilang “domestic helper” at agad niya naman itong tinanggap upang makatulong sa pamilya. Gusto rin ni Xia na sumubok ng ibang mga bagay at dahil nga sa nasabing trabaho ay nadagdagan pa ang kaniyang mga kaalaman.

Maliban dito ay pinagbuti rin niya ang hilig sa arts lalong-lalo na sa photography. Sa katunayan, dito siya unang nakilala ng mga tao. Ang kaniyang style sa pagkuha ng mga black and white photos ay talaga namang nagustuhan ng marami at nadiskubre rin ng Filipino photographer na si Rick Rocamora. Dahik nga dito ay sunod-sunod ang kaniyang naging proyekto at nagtrabaho bilang documentary photographer ng mga OFW.


Samantala, hindi lang ito ang naging achievements ni Xia dahil kamakailan lang ay natapos niya rin ang kurso sa kolehiyo na kinuha niya sa ilalim ng Tisch School, isang kilalang art school ng New York University. Dito ay mas pinagbuti niya ang hilig sa arts at nagkaroon nga ng Master in Arts and Politics program.

Marami ang humanga sa kaniyang kwento at naging inspirasyon ito sa karamihan lalong-lalo na sa ating mga kababayang OFW na walang ibang hangad kundi ang mapabuti ang kalagayan ng kanilang buong pamilya. Tunay ngang maraming paraan ang pwede nating magawa para makamit ang ating mga minimithi sa buhay.

Disclaimer

This website is intended for informational purposes only. All images are copyrighted to their respective owners. All content cited is derived from their respective sources.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Entertainment News Viral

Mga Netizen, Nanawagan Na Kung Makita Ang Isang Lolo Na Nagbebenta Ng Isda Ay Bilhan Nila Ito Lalo’t Na-str0ke Ito

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

        Maswerte ang iilang mga taong lumaki na kasa-kasama at naabutan pa ang kanilang mga lolo at lola, dahil isang napakalaking puwang sa bawat apo ang pagmamahal at aruga ng kanilang mga lolo at lola. Karamihan naman ay mismong mga lolo at lola na ang tumayong ama at ina dahil sa mga ulila o kaya’y iniwan […]

Read More
News Viral

Pag Nakakita Ka Ng Hugis Parisukat Sa Karagatan, Lumayo Ka Na

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

        Nakakamangha ba kung ikaw ay makakita ng tinatawag na square waves o ng parisukat na alon sa dagat? May mga ganitong larawang ipinopost o nakikita natin sa social media. Diba’y nakakamangha kung makakita ka ng ganon sa totoong buhay? Ngunit dapat ka palang mag-ingat kung ito ay nakita mo sa personal dahil nagpapahiwatig pala ito […]

Read More
Entertainment News

Walong University Scientists sa Pilipinas Nakasama Sa Top 2021 Asian Scientist 100

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

        Walong University Scientist sa Pilipinas ang kinilala sa 2021 Asian Scientist 100. Ang mga ito ay galing sa University of the Philippines Los Baños, UP Research Institute for Tropical Medicine, University of Sto.Tomas, De La Salle University,Mapua University, San Beda College, at University of San Agustin. Sila ang ilan sa kabilang sa top 100 na […]

Read More
error: Content is protected !!